KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

í•sip

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paglitaw ng mga idea, damdámin, kabatiran, atbp.

2. Tingnan ang talíno

3. Tingnan ang isípan

Paglalapi
  • • kaisipán, pag-iísip, pagkaísip, paláisipán : Pangngalan
  • • isípin, mag-isíp, mag-isíp-isíp, makaísip, maísip, pag-isípan, umísip: Pandiwa
  • • mapág-isíp, palaisíp, pangkaisipán: Pang-uri
Idyoma
  • búngang-ísip/katháng-ísip
    ➞ Likha ng talino.
  • ísip-lamók
    ➞ Walang talino o mahina ang pang-unawa.
  • matálas ang ísip
    ➞ Matalino.
Tambalan
  • • abót-ísip, katháng-ísip, lamáng-ísipPangngalan
  • • bukás-ísip, ísip-batàPang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.