KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ú•bos

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagkonsumo, pagkuha, o pagpuksa sa anuman upang walang matirá.
ÍGOS

Paglalapi
  • • pagkaúbos: Pangngalan
  • • maúbos, maubúsan, ubúsan, ubúsin, iúbos: Pandiwa
Idyoma
  • úbos-káya
    ➞ Sagad sa kakayahan; hanggang makayanan ng sarili.

u•bós

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Wala nang natitirá sa anuman.
SAÍD, SIMÓT

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.