KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ú•kol

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paglalaan ng anuman sa isang tanging bagay.

2. Pagiging nararapat sa anuman.

Paglalapi
  • • kaukulán, nauúkol, pag-uúkol, pag-uúkol-úkol, pang-úkol, paukól, paukúlan: Pangngalan
  • • iúkol, mag-úkol, maúkol, pag-ukúlan, pag-úkol-ukúlin: Pandiwa
  • • nauúkol: Pang-uri

ú•kol

Bahagi ng Pananalita
Pang-ukol
Kahulugan

Tungkol sa o para sa.
Úkol sa mahalagang pagdiriwang ang púlong.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.