KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

a•lár•ma

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. Anumang tunog na nagsisilbing hudyat para sa anuman (tulad ng panganib o isang takdang oras).
Narinig nila ang alárma kayâ nalaman nilang may sunog.

2. Aparato na may ganitong tungkulin.
Sinira nila ang mga alárma upang manakawan ang gusali.
ALÁRM, SIRÉN

3. Tingnan ang pangambá

Paglalapi
  • • alarmísta, pang-alárma: Pangngalan
  • • alármahán, alármahín, ialárma, inalárma, naalárma, umalárma: Pandiwa
  • • alarmádo: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?