KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

di•pe•rén•si•yá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
diferencia
Varyant
dip•rén•si•yá
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. Tingnan ang kaibahán
Ayos ng buhok lang ang diperénsiyá ng kambal na iyan.

2. Tingnan ang aberyá
May diperénsiyá ang makina ng kanilang sinakyan kayâ sila nahulog sa bangin.

3. Tingnan ang sakít
May diperénsiyá raw sa pag-iisip ang laláking iyon.

4. Tingnan ang depékto
May diperénsiyá ang kaniyang mga mata kayâ hindi siya makabása.

5. Tingnan ang hidwáan
Malala na ang diperénsiyá ng magkapatid dahil nauwi na sa pagbabanta.

Paglalapi
  • • magkadiperénsiyá: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.