KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

gi•náw

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Malamig na temperatura ng paligid.
Natutuwa akó sa gináw ng Baguio.

2. Normal na reaksiyon ng katawan dahil dito.
Nakasuot akó ng makapal na dyaket para mapawi ang gináw.

3. Tingnan ang ngíki

Paglalapi
  • • panggináw: Pangngalan
  • • ginawín, maginawán, gumináw, paginawín: Pandiwa
  • • gináwin, magináw: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?