KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ká•so

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
caso
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. BATAS Usapin o suliraning nauugnay sa batas na idinulog sa hukuman.
ASÚNTO, DEMÁNDA, HABLÁ, PARÁTANG, REKLÁMO, SAKDÁL

2. LINGGUWISTIKA Tingnan ang kaukulán

3. Pagkakaroon ng isang sakít, karaniwang nagagamit sa mga laganap na uri.
Maraming káso ng dengue tuwing tag-ulan.

4. Tingnan ang instánsiyá
Isa itong káso ng hindi pagkakaunawaan.

Paglalapi
  • • kasúhan, magkakáso, mangkáso: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.