KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lang•ká•pan

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
langkáp
Kahulugan

GRAMATIKA Pangungusap na binubuo ng isang sugnay na makapág-iisa at dalawa o higit pang sugnay.

lang•ka•pán

Bahagi ng Pananalita
Pandiwa
Salitang-ugat
langkáp
Kahulugan

Lakipan, palooban, lagyan, o samáhan.
Langkapán mo ng sulat ang iiwan mong dokumento sa mesa ni Jane.

lang•ká•pan

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Salitang-ugat
langkáp
Kahulugan

Magkasama.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.