KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ta•ú•han

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
táo+han
Kahulugan

1. Sinumang nagtatrabaho para sa iba.
May 20 taúhan ang establisimyentong ito.
ALAGÁD, EMPLEÁDO, KAWANÍ, TRABAHADÓR

2. Alinman sa mga táong may gampanin sa isang kuwento, dulâ, pelikula, at iba pang akdâ.
Hindi yata normal na paborito mong taúhan ang kontrabida.
KARAKTÉR, PERSONÁHE

ta•ú•han

Bahagi ng Pananalita
Pandiwa
Pinagmulang Salita
táo+han
Kahulugan

1. Lagyan ng tao (ang isang pook) upang magsilbing bantay.

2. Magsilbing bantay sa isang pook.
Taúhan mo muna ang bahay habang wala kami.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.