KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

tra•bá•ho sa bá•hay

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Paraan ng pagtatrabaho ng isang indibidwal na isinasakatuparan sa sariling tahanan, sa halip na sa tanggapan.
WORK FROM HOME

tra•bá•ho

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
trabajo
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. Tingnan ang gawáin

2. Tingnan ang hánapbúhay

Paglalapi
  • • magtrabáho: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.