KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

al•sá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
alza
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. KULINARYO Pag-angat ng masa.

2. Pagsalungat sa may kapangyarihan (lalo na sa pámahalaán o pinaglilingkuran).
AKLÁS, HIMAGSÍK, PROTÉSTA, WÉLGA

3. Pag-umbok ng anumang bagay sa isang rabáw (gaya ng paltos).
BURÁL

4. Pagtataas o pagbuhat (lalo kung mabigat na bagay).

Paglalapi
  • • alsáhan, pag-alsá, pampaalsá: Pangngalan
  • • alsahín, mag-alsá, paalsahín, pinaalsá, umalsá: Pandiwa
Idyoma
  • alsá-balútan
    ➞ Pag-alis na dala ang mga ari-ariang maaaring dalhin, karaniwan ay dahil sa hindi kasiyahang-loob o pagtatampo.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?