KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ba•tás

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pangkalahatang sistema ng mga alituntunin na sinusunod sa isang bansa sa layuning magtaguyod ng kaayusan.

2. Tawag din sa bawat isa nitó na may karampatang parusa sa paglabag.
DEKRÉTO, ORDENÁNSA, PATAKARÁN, REGLAMÉNTO

3. Siyentipikong pahayag ng katotohanan mula sa pagmamasid hinggil sa isang penomenon na laging nagaganap sa mga parehong kondisyon.

Paglalapi
  • • mambabátas, pagbabatás: Pangngalan
  • • magsabatás: Pandiwa
  • • pambatás, pambatásan: Pang-uri

Ba•tás Mi•li•tár

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
batás+militár
Kahulugan

BATAS Pansamantalang pamamahala ng militar sa lahat ng gawain ng bansa lalo na kapag panahon ng digma o anumang banta sa seguridad.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.