KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bú•lo

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. BOTANIKA Pinong balahibo (tulad ng matatagpuan sa bungangkahoy, tangkay, o dahon) na nagdudulot ng katí.

2. ZOOLOHIYA Tawag din sa katulad na materyal sa higad, uod, pakpak ng paruparo, atbp.

Paglalapi
  • • pagkabúlo: Pangngalan
  • • mabulúhan, magkabúlo: Pandiwa
Idyoma
  • may búlo pa ang pisngí
    ➞ Nauukol sa isang dalagang hindi pa nahahalikan.
    Tumandang dalaga si Paula na may búlo pa ang pisngi.

bú•lo

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Tingnan ang halagá

bu•lô

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

ZOOLOHIYA Tingnan ang guyà

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.