KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bu•lak•ból

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pag-iwas sa dapat na gawin o pasúkan sa pamamagitan ng paggagalâ.

2. Tawag din sa táong may ganitong gawi.
LAGALÁG, LIWALÍW

bu•lak•ból

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Mahilig maggala upang makaiwas sa dapat gawin o pasúkan.
BAGAMÚNDO, LAKWATSÉRO, LAGALÁG, HAMPASLUPÀ, ALIGANDÓ, BALIHANDÂ

2. Tingnan ang tamád

Paglalapi
  • • pagbubulakból: Pangngalan
  • • magbulakból: Pandiwa
  • • pabulakból: Pang-abay

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.