KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

bu•tò

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Tingnan ang úten

bu•tó

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. ANATOMIYA Isa sa matitigas na pirasong bumubuo sa estruktura ng mga nilaláng na vertebrate.

2. BOTANIKA Tingnan ang binhî

Paglalapi
  • • butuhán, mabutó: Pang-uri
Idyoma
  • butó’t balát
    ➞ Payat na payat.
  • daánin sa tigás ng butó
    ➞ Panganganyaya sa kapuwa sa pamamagitan ng lakas; daanin sa puwersahan.
  • matigás na ang butó
    ➞ Káya nang magsarili.
  • párang may tangáy na butó
    ➞ Walang tigil ang bibig sa kabubulong.
  • párang ásong nahagísan ng butó
    ➞ Biglang tumigil sa kasasalita.
  • párang waláng butó
    ➞ Mahina o walang lakas.
  • nagbábaták ng butó
    ➞ Nagtatrabaho.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.