KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

da•sál

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
rezar
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. Tingnan ang dalángin
Pinagbigyan ng Diyos ang dasál niya na gumalíng na sa sakít.

2. Mga linyang sadyang inayos upang purihin ang anumang sinasamba.
Natutuhan ko sa aking nanay ang dasál na "Ama Namin."

Paglalapi
  • • dasálan, padasál, pagdarasál: Pangngalan
  • • dasalán, dasalín, ipagdasál, magdasál: Pandiwa
  • • mapagdasál: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.