KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

da•tíng

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagsapit sa isang pook.
Madaling-araw táyo aalis para maaga ang datíng natin sa Maynila.
ÁBOT, DATÁL

2. Tawag din sa mga táong sumapit doon.
Kamag-anak namin sa probinsiya ang mga bagong datíng.

3. Makabuluhang bisà sa pandinig, paningin, o pandama (lalo na ng isang pagtatanghal).
Walang datíng 'yong pagkanta niya.

4. Pagsapit ng isang pangyayari, kalagayan, o panahon.

5. Tingnan ang régla

Paglalapi
  • • datíngan, pagdatíng, paratíng : Pangngalan
  • • datnán, dumatíng, makaratíng, maparatíng, maratíng, niratíng, paratingán, paratingín : Pandiwa
Idyoma
  • malakás ang datíng
    ➞ May kaakit-akit na bisà ang hitsura at kilos.
    Malakas ang datíng ni Dennis sa kababaihan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.