KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

de•mos•tras•yón

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
demostracion
Varyant
de•mons•tras•yón
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. Pagpapaliwanag na gumagamit ng mga kongkretong halimbawa.

2. Pagpapakíta ng tiyak na proseso sa paggawa ng anuman o kung paano gumagana ang isang bagay (gaya paggamit sa isang kasangkapan, pagluluto ng isang resipi, atbp.).
Nanood akó ng demostrasyón sa paglulutò ng adobong manok.

3. Tingnan ang kílos-protésta
Lumahok sa demostrasyón ang mga kumokontra sa bágong panukala.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?