KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

dis•kár•te

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
descartar
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. Anumang kahanga-hangang pamamaraan ng isang tao upang makuha ang gusto o maisagawa ang isang bagay.
Naniniwala ka bang mas importante ang diskárte kaysa sipag?
ABILIDÁD, ESTRATEHÍYA, SEKRÉTO, TEKNÍK

2. Sa panlilígaw, salita o kilos na ginagamit upang maakit ang táong naiibigan.
Sa tingin ko, kulang ka pa sa diskárte kayâ ayaw ka niyang pansinín.

Paglalapi
  • • diskartihán, dumiskárte, idiskárte: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.