KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

dú•rog

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagpino sa isang bagay na ginagawa sa pamamagitan ng anumang presyur upang magpira-piraso o maging pulbos.

Paglalapi
  • • magkadúrog-dúrog, durúgin, madúrog, pagduróg-durúgin: Pandiwa

du•róg

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Pira-piraso nang maliliit o parang pulbos.

2. Tingnan ang lapisák
Hindi ko na kakainin 'yong duróg na biskuwit.

3. Lango sa ipinagbabawal na gamot.
WINDÁNG

Paglalapi
  • • dumúrog, durúgin, madúrog, magkadúrog-dúrog, pagduróg-durúgin: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.