KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ga•láng

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Tingnan ang pulséras

2. Lubid na may mga pabigat na itinatali sa kabayong sinanay sa pagpáso at pag-imbay.

gá•lang

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Kagandahang-asal na ipinakikíta sa kapuwa para sa mataas na pagtingin o pagpapahalaga.
Walang gálang sa matatanda ang batang ’yan.

2. Pagkilala sa pagkatao o mga karapatan ng sinuman.
PAKUNDÁNGAN, RESPÉTO

Paglalapi
  • • kawaláng-gálang, paggálang: Pangngalan
  • • galángin, gumálang, iginagálang, igálang, magbigáy-gálang: Pandiwa
  • • kagálang-gálang, magálang: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?