KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

gá•lit

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Matinding pagsamâ ng loob sa isang tao o pangyayari na nagdulot ng anumang hindi kanais-nais.
Nagsimula ang gálit niya sa anak nang sagutín siya nitó nang pabaláng.
MUHÌ, POÓT, INÍS, SORÀ

Paglalapi
  • • kagalít, kagalítan, pagkagálit, pagpapagálit: Pangngalan
  • • galítin, ikagálit, magkagálit, magpagálit, magálit, makagalítan, makagálit, makapagpagálit, manggálit, mapagálit, pagalítin: Pandiwa
  • • galít, kagálit-gálit, magagalitín, nakagagálit: Pang-uri
  • • pagalít: Pang-abay
Idyoma
  • sumikláb ang gálit
    ➞ Biglang nagalit nang matindi.
    Sumikláb ang gálit ng ama sa anak nang sagutin niya ito nang pabalang.

ga•lít

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Masamâ ang loob dahil sa anumang natanggap o naranasang hindi kanais-nais.
NAPOPOÓT, BURÁT

Paglalapi
  • • pagkakagalít: Pangngalan
  • • magkagalít: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.