KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

gala

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Bigkas
géy•la
Pinagmulang Wika
Ingles
Kahulugan

Natatanging pormal na okasyon na karaniwang may iba't ibang pagtatanghal.

ga•là

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paglilibot sa iba’t ibang pook sa maikling panahon.

2. Pag-alis sa bahay upang tumúngo saanman at doon maglibang.
Sa mall ang galà ng magkaibígan.
PASYÁL, LIWALÍW

Paglalapi
  • • galaán, pagalà , paggalà: Pangngalan
  • • ginalà, gumalà, gumalà-galà, igalà, magpagalà-galà: Pandiwa
  • • pagalà-galà: Pang-uri

ga•lâ

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Mahilig maglibot o nakararating kung saan-saan.
Hindi kasi akó galâ kayâ hindi ko pa saulado ang mga lugar dito.
LAYÁS, LAGALÁG, LIBÓT, LAKWATSÉRO, BARAKÁLYE

Paglalapi
  • • maggalâ: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.