KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

gí•sing

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagmumulat ng mata mula sa pagkakatulog.
Maaga ang gísing mo ngayon, a.

2. Anumang paraan upang pakilusin ang isang natutulog o walang málay.

Paglalapi
  • • paggísing, pagkagísing: Pangngalan
  • • ginísing, gisíngin, gumísing, ipagísing, magísing, manggísing: Pandiwa

gi•síng

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Hindi natutulog.

2. Listo at alam ang mga nangyayari sa paligid.
MASIGLÁ, BUHÁY

Idyoma
  • mangárap nang gisíng
    ➞ Naghahangad ng bagay na mahirap mangyari.
    Nangangárap nang gisíng ang kapatid ko sa kagustuhang maging bilyonaryo.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.