KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

há•las

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. MEDISINA Gasgas sa balát na likhâ ng matalim na dahon ng palay o damo.
Makati ang hálas na sanhi ng pagkasagi sa matalas na dahon ng palay.

2. MEDISINA Namumula at mahapding balát ng sanggol sa punò ng hita o pigî na sanhî ng pagkababad sa ihi.
Ang hálas ng sanggol ay nakuha sa basáng lampin na naihian.

3. BOTANIKA Búlo ng halaman o damo na makati sa balát kapag nadaiti.

Paglalapi
  • • paghálas: Pangngalan
  • • halásan, mahálas: Pandiwa
  • • hálas-hálas: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.