KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

há•pay

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paghílig o pagkíling ng isang nakatayô gaya ng haligi; anyo ng isang bagay na hindi tuwid ang tayô.
Mababâ ang hápay ng mga dahon ng saging.
KÍLING, PÁLING, TAGÍLID

2. Pagkalugi sa anumang pinamuhunan.
PAGBAGSÁK

Paglalapi
  • • paghápay, pagkahápay : Pangngalan
  • • hapáyan, humápay, humápay-hápay, ihápay, ikahápay, maghápay, pahapáyin: Pandiwa

ha•páy

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Nakakíling ang áyos; hindi matuwid ang pagkakatayô.
Hapáy na halos ang mga sanga sa punò dahil sa lakas ng bagyong nagdaan.

2. Nalúgi kung sa pangangalákal.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.