KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hí•la

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Paggamit ng pisikal na lakas upang mapalapit ang anumang bagay sa direksiyon ng nasabing puwersa.
Mabilis pa rin ang híla ng kabayo sa kalesang marami ang sakáy.
BATÁK, BÁTAG, HALTÁK. HÁTAK, KÁYAG

2. Pagyayà na sumali sa gawain o pupuntahan.

Paglalapi
  • • hilahán, manghihíla, paghíla, panghíla: Pangngalan
  • • hiláhin, hiníla, humíla, ipahíla, ipakihíla, magpahíla, mahíla, pahiláhin: Pandiwa
Idyoma
  • hinihíla ng kamatáyan
    ➞ Sinasabi sa isang táong malimit magkaroon ng sakuna.
    Nasagì na naman ng tricycle si Ace na parang hinihíla ng kamatáyan.
  • hinihíla ang dilà
    ➞ Hiráp na hiráp at pagód na pagód.
    Dumating siya sa bahay na hinihíla ang dila dahil sa págod at layò ng nilakad.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.