KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hú•bog

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Áyos o anyo sa kalahatan.
Maganda ang húbog ng kaniyang katawan.

2. Bahaging nakabaluktot ng anumang bagay.
ÁRKO, BALANTÓK, HÚGIS, KÚRBA, PÓRMA

3. Tingnan ang disiplinádo

Paglalapi
  • • hubúgan, paghúbog: Pangngalan
  • • hubúgin, humúbog, ihúbog, maghúbog: Pandiwa
  • • kahúbog: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.