KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ha•lí•gi

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

ARKITEKTURA Bahagi ng anumang estruktura (lalo ng gusalì) na nakabaón sa lupa ang punò at nagdadalá ng buong bigat.
Dinagdagan ng halígi ang kanilang kusina na suporta sa malakas na bagyong paratíng.
PÓSTE, SÚHAY, TÚKOD

Paglalapi
  • • paghahalígi: Pangngalan
  • • maghalígi: Pandiwa
Idyoma
  • halígi ng tahánan
    ➞ Patalinghagang tawag sa amá.
    Wala na ang halígi ng tahánan kayâ hiráp ang pamilya sa pagsasaka.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.