KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hi•gan•tí

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Masamáng ginagawa ng sinuman sa kapuwa bílang kapalit ng katulad na kasamaang natanggap mula rito.
Ang higantí na ginawa niya sa kababayan ang nagdalá sa kaniya sa bilangguan.
BENGGÁNSA, GANTÍ, GANTÍNG-PARÚSA, RETRIBUSYÓN, RÉSBAK

Paglalapi
  • • hígantíhan, paghihigantí: Pangngalan
  • • maghigantí, makapaghigantí, paghigantihán: Pandiwa
  • • mapaghigantí, mapanghigantí: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?