KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hí•lo

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pakiramdam na pinagdirimlan ng paningin kasabay ang pagsakit ng ulo.
Nakaramdam akó ng hílo nang maglakad akó sa kainitan ng araw.
LIYÓ, LULÀ, PAGKALIYÓ, PAGKALULÀ

Paglalapi
  • • pagkahílo: Pangngalan
  • • hilúhin, humílo, ikahílo, mahílo, makahílo, nahihílo: Pandiwa
  • • hiluhín, mahiluhín, mapaghílo: Pang-uri

hi•ló

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nagdidilim at umiikot ang paningin; magulo ang isip; walang malámang gawin.
Hiló ang pakiramdam ng aking pinsan dahil hindi siya sanáy sa daang zigzag.
LIYÓ, LULÂ, TULIRÓ

Idyoma
  • párang hilóng talílong
    ➞ Litong-lito; gulong-gulo ang pag-iisip; hindi maláman ang gagawin.
    Pára akóng hilóng talílong kapag may sakit ang anak ko.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?