KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hi•máy

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pag-aalis ng butil ng mais sa búsal.
Mabilis ang himáy niya sa butil ng mais pára madali itong makain.

2. Pagtatalop o pag-aalis ng butó ng gulay o prutas (gaya ng patanì, bataw, langkâ, sitaw, atbp); pag-aalis ng laman o karne mula sa lamandagat (gaya ng alimásag, alimángo, tulya, atbp).
Kaunti lang ang himáy ng laman ng alimasag na ipakakain niya sa sanggol.

3. Pag-aaral o pagsusurì ng isang bagay nang isa-isa.
Masusì ang himáy ng mag-aaral sa bagong paksang ibinigay ng kanilang gurò.

Paglalapi
  • • paghimáy: Pangngalan
  • • himayín, ihimáy, ipahimáy, ipakihimáy, maghimáy, paghimayín: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.