KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

him•píl

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Kalagayang hindi gumagalaw o nakatigil.
Sandali lang ang himpil ng bus para sa nais bumili ng pasalubong.
PAMAMAHINGÁ

2. Pagligpit sa isang tabi upang hindi makasagabal.
Iayos mo ang himpíl ng sasakyán natin upang hindi makasagabal sa iba.
PARÁDA

Paglalapi
  • • himpílan, paghimpíl: Pangngalan
  • • humimpíl, ihimpíl, ipahimpíl, magpahimpíl, pahimpilín: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.