KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

hu•pà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pag-impis o pagkaalis ng pamamagâ.
ALÍS, IMPÍS

2. Pagbawas sa tindi, sidhî, atbp.
HIPÂ

3. Pagtigil o paghinto ng bagyo, bahâ, atbp.
HÚLAW, KÁTI

Paglalapi
  • • kahupaán, paghupà: Pangngalan
  • • humupà, magpahupà, mapahupà, pahupáin: Pandiwa

hu•pâ

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Tigil na; payapa na.
Hupâ na ang gálit niya.

2. Hindi na namamagâ.
Hupâ na ang kaniyang sugat.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.