KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ins•pek•si•yón

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
inspeccion
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. BATAS Pagdalaw saanman upang gumawa ng opisyal na pagsisiyasat.

2. Masinsing pagsusuri ng anuman, lalo ng mga siyentipikong bagay.

3. Tingnan ang halughóg

Paglalapi
  • • inspeksiyonín, mag-inspeksiyón, mainspeksiyón: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.