KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

kí•ta

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Varyant
ki•tà
Kahulugan

1. KOMERSIYO Halagang ibinayad sa paghahanapbuhay.
Kapos ang kíta niya sa araw-araw na pangangailangan ng kaniyang pamilya.
SUWÉLDO, SÁHOD

2. Tubò sa ipinuhunan.
Malaki ang kíta niya kagabi sa paglalako ng balut.

Paglalapi
  • • kiníta, kitáhin, kumíta: Pandiwa
  • • pinagkákakitáhan: Pang-uri

kí•ta

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Anumang hayag, litaw, o tanaw.
Ulo mo lámang ang kíta sa larawang iyan.

kí•ta

Bahagi ng Pananalita
Pandiwa
Kahulugan

Natatanaw dahil nakalantad o nakalabas.
Kahit na nakangiti, kíta pa rin ang lungkot sa kaniyang mga mata.

Paglalapi
  • • pagkikíta, pagpapakíta, pakíta: Pangngalan
  • • ipakíta, ipinakíta, kakitáhan, kiníta, magkíta, magpakíta, magpangíta, makakíta, makipagkíta, makíta, mapagkíta: Pandiwa
  • • kítang-kíta: Pang-uri

ki•tá

Bahagi ng Pananalita
Panghalip
Kahulugan

GRAMATIKA Ikaw at akó; tayong dalawa.
Kitá ay pupunta sa bahay ng iyong Tiya Mameng.
KATÁ

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.