KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ka•bá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Mabilis na tibok ng puso dahil sa tákot.
Napakatindi ng kabá ni Marie nang harangin siya sa daan ng isang laláki.
KUTÓB, KULBÀ

Paglalapi
  • • pagkabá: Pangngalan
  • • kabahán, kinabahán, kumabá, pakabahín: Pandiwa
  • • kabádo, kákaba-kabá: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.