KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ka•i•la•ngán

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
iláng
Kahulugan

1. Kalawakan o kalayuan ng lugar.

2. Malayong kaparangan.

ka•i•lá•ngan

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Anuman o lahat ng bagay na dapat matamo upang maganap ang ibig mangyari.
MARÁPAT

2. Kulang o wala sa isang bagay.
KAKULANGÁN

ka•i•lá•ngan

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Mahalaga o nararapat tugunan.
Kailángan itong gawin nang umunlad ang bayan.
KINAHANGLÁN

Paglalapi
  • • kailanganín, pangangailángan: Pangngalan
  • • kailangánin, mangailángan: Pandiwa
  • • kailángang-kailángan, kinakailángan: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.