KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ka•lu•lu•wá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Sa paniniwala ng maraming relihiyon, ang bahagi ng mga nilaláng (lalo na ng tao) na hindi materyal at siyang tumutúngo sa kabiláng búhay sa pagkamatay ng katawan.
LAGYÔ, KALÁDWA, ESPÍRITÚ

2. Pinakamahalagang bahagi o kaisipan ng isang bagay.
DIWÀ

Paglalapi
  • • mangaluluwá: Pandiwa
  • • pangkaluluwá: Pang-uri
Idyoma
  • waláng kaluluwá
    ➞ Lumalabis ang pagtampalasan sa kapuwa; walang damdáming makatao.
  • haláng ang kaluluwá
    ➞ Hindi natatakot gumawa ng masamâ.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.