KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ka•ma•tá•yan

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
matáy
Kahulugan

1. Kawakasan o pagkaparam ng búhay ng sinuman at alinman sa balát ng lupa; pagpanaw sa daigdig.

2. Tuluyang pagkasira o pagkawala.
Ikinalungkot niya ang kamatáyan ng pag-asang makapagtatrabaho pa siyá sa ibang bansa.

3. Anibersaryo ng pagpanaw.

Idyoma
  • inágaw sa kamatáyan
    ➞ Nailigtas sa tiyak na kamatayan, pinagaling ang matinding karamdaman.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.