KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ka•tá-ka•tá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Kuwentong gawa-gawa lámang.
Huwag kang maniniwala sa narinig mo, pagkat katá-katá lámang nila ang mga iyon.
KATHÂ, KÁTHANG-ÍSIP, TSÍSMIS

2. Tingnan ang bintáng
Hindi totoo ang katá-katá nila sa ating pinunong-bayan, naiinggit lámang ang mga táong nagsasabi niyan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.