KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lí•lok

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. SINING Pag-uukit ng mga pigura sa kahoy, bató, atbp.

2. Tawag din sa nabubuo rito.

Paglalapi
  • • lilukán, manlilílok, paglilílok: Pangngalan
  • • lilúkan, lilúkin, lumílok, maglílok: Pandiwa

lí•lok

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

SINING Ginawa sa pamamagitan ng pag-uukit (nauukol sa likháng-síning).

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.