KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lag•pák

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagkahulog ng isang bagay na may kasámang tunog.
KALABÓG, LAGANÁS

2. Tawag din sa tunog nitó.

3. Tingnan ang bagsák
Maraming lagpák sa klase.

Paglalapi
  • • lagpákan, pagkalagpák, paglagpák: Pangngalan
  • • lagpakán, lumagpák, maglagpák, malagpák: Pandiwa

lag•pák

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Bahása Súg
Kahulugan

Bítag sa daga na may tali.

lag•pák

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Bumagsak o nalaglag.
Maraming lagpák na mangga sa aming bakuran pagkatapos humangin nang malakas.

2. Hindi nagtagumpay.
Lagpák siya sa interbiyu kayâ hindi natanggap sa inaaplayang trabaho.

3. Hindi umunlad.
Naglasing si Luigi dahil sa kaniyang lagpák na negosyo.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.