KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

la•yò

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Antas ng pagkakaiba ng anuman.

2. Laki o súkat ng puwang sa pagitan ng dalawang punto sa isa't isa.
AGWÁT, DISTÁNSIYÁ

Paglalapi
  • • kalayúan: Pangngalan
  • • ilayô, maglayò, mapaglayô, mapalayò: Pandiwa
  • • malayò: Pang-uri

la•yô

Bahagi ng Pananalita
Pandiwa
Kahulugan

Pagkilos upang lumaki ang pagitan mula sa isang punto.

Paglalapi
  • • pagkakalayô, paglalayô: Pangngalan
  • • ilayô, layuán, lumayô: Pandiwa
  • • layô-layô: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.