KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

li•hà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

BOTANIKA Bawat hati ng laman ng bunga ng suhà, dalandan, at iba pang kauri nitó.
GIHÀ

lí•ha

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
lija
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

Magaspang na papel na ginagamit upang pakinisin ang rabáw ng kahoy, bakal, o iba pang materyal.
PAPÉL DE-LÍHA

Paglalapi
  • • ilíha, ipanlíha, liháhin, maglíha: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.