KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lin•sád

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagkaalis sa kinalalagyan; pagkalisya sa pinaghuhugpungan.

Paglalapi
  • • pagkakalinsád: Pangngalan
  • • ilinsád, linsarín, malinsád: Pandiwa

lin•sád

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Wala sa wastong pagkakalagay o pagkakahugpong.
May linsád na gulóng ang kotse ni Mario.
ALÁWAS, DESKARÍL, LISYÂ

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.