KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ma•ú•tak

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Salitang-ugat
útak
Kahulugan

1. May kakayahang gumawa ng paraan upang matamo ang anumang naisin, maging ito ay masamâ o mabuti.
Umasenso na si Pedro kasí maútak siyáng alagad ng batas.
MAPAMARAÁN, MARÚNONG, MAÚLO

2. Tingnan ang matalíno

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.