KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ma•bi•lís

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
bilís
Kahulugan

LINGGUWISTIKA Pagbigkas ng salita na tuloy-tuloy hanggang sa hulíng pantig; tinatandaan ng tuldik na pahilis (´) ang huling pantig.

ma•bi•lís

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Salitang-ugat
bilís
Kahulugan

1. Natapos ang isang gawain sa pinakamaikling panahon.
MADALÎ

2. Maliksi (kung sa tao).

3. Matulin (kung sa sasakyán).

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?