KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ma•lî

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Hindi alinsunod sa wasto o totoo.
Lima ang malî ni Leo sa pagsusulit kayâ’t muntik na siyáng hindi pumasá.
LIHÍS, BISÔ, LISYÂ, SINSÁY

2. Hindi sumunod sa kahilingan o tuntúnin.
Malî ang ginawang guhit ni Juan sa asignaturang sining.

3. Hindi angkop o wala sa ayos.
Ang pagkakaayos ng mga appliances sa bahay nilá ay malî .

Paglalapi
  • • kamalían, pagkakamalî: Pangngalan
  • • magkamalî, maliín, mamalî, mapagkamalán, pagkamalán: Pandiwa
  • • malî-malî: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.