KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ma•la•kás na u•lán

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

METEOROLOHIYA Ulang umaabot nang mahigit sa 7.5 milimetro kada oras, hindi makita ang bawat patak at basang-basâ ang ilang milimetrong taas ng matitigas na ibabaw.

ma•la•kás

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Salitang-ugat
lakás
Kahulugan

1. Matibay at may kakayahan sa paggawa ng anuman.
MATÓN

2. Matinding puwersa.
Malakás ang hangin kayâ isara mo ang bintana.

3. Maimpluwensiya (gaya ng sa polítiká).
Nakapasok siyá sa club dahil malakás sa manedyer.

4. Malusog ang pangangatawan.

5. Tingnan ang mabili
Malakás ang tindahan ni Mang Tolome.

6. Tingnan ang matunóg
Malakás ang tunog ng radyo kayâ hindi silá magkarinigan.

7. Matindi (gaya sa emosyon).

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.